SUBMIT ARTICLE
ISSN: 2782- 893X
eISSN: 2799-0664

Estilo Ng Pagkatuto At Akademikong Performans Ng Mga Mag-Aaral Sa Filipino: Batayan Sa Pagbubuo Ng Interbensyon

IJAMS Publisher

AUTHOR(S)

KEVIN MARK S. JIMENEZ BLESILDA S. JIMENEZ RODEL B. GUZMAN



ABSTRACT

— Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa ugnayan sa pagitan ng propayl ng mga mag-aaral at ng kanilang estilo ng pagkatuto; at ugnayan ng estilo ng pagkatuto at akademikong performans ng mga mag-aaral. Ginamit ang deskriptibong-korelasyonal na pag-aaral upang tugunan ang pangunahing layunin nito. Kinasangkutan ito ng mga mag-aaral na nasa Ikapitong Baitang sa Unibersidad ng La Salette, Santiago City. Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay talatanungan. Batay sa naging resulta, masasabing may makabuluhan at direktang ugnayan sa pagitan ng estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang propayl na kasarian at pinagtapusang elementarya. Ang kababaihan ay higit na natututo sa estilong auditory habang ang kalalakihan ay mas natututo sa estilong group. Gayundin, ang mga nagtapos sa private school at public central school ay higit na natututo gamit ang estilong group habang ang mga nagtapos naman sa public barangay school ay higit na natuto sa estilong auditory. Natuklasan din sa pag-aaral na walang makabuluhang ugnayan ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral at ang kanilang paggamit ng social networking platform at sa kinabibilangang etnolinggwistikong grupo. Napag-alamang ang estilo ng pagkatuto at ang akademikong performans ng mga mag-aaral ay may makabuluhan at direktang ugnayan. Ang mga pinakamahuhusay na mag-aaral ay higit na natututo gamit ang estilong indibidwal. Samantala, ang mga mahuhusay ay higit na natuto gamit ang estilong auditory. Dagdag pa, ang mga mag-aaral na may katamtamang husay ay higit na natututo gamit ang estilong group habang ang mga mag-aaral na maykahinaan ay mas natututo gamit ang estilong biswal Keywords — Authors should provide appropriate and short keywords. The maximum number of keywords is 10. Estilo ng Pagkatuto, Akademikong Performans, Filipino